Advertisers
NASAWI ang dalawa katao kasama ang isang menor de edad at dalawa pa ang sugatan sa aksidente sa Barangay Mambulo Nuevo, Libmanan, Camarines Sur.
Kinilala ang mga nasawi na sina Xomers Ampuan, 28-anyos; at ang dalawang taon gulang na sangol.
Sugatan naman ang sakay nito na sina Jonar Magunda, 17; at Bura Padua, 23.
Sa ulat, sakay ng isang Toyota Rush ang mga biktima patungong Mindanao mula Metro Manila nang biglang bumangga ang sa waiting shed.
Nagawa pang naitakbo sa Bicol Medical Center ang mga biktima ngunit dalawa rito ang dineklarang dead on arrival.