Advertisers

Advertisers

Kambal ni Carmina na si Mavy at Cassy, maghihiwalay na; Pauline tuloy na ang pagbibida sa serye

0 349

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

NGAYONG taon, 2021, tila paghihiwalayin na ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi pagdating sa kanilang mga showbiz career.

Sa ngayon kasi ay buy one take one pa ang drama ng kambal nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, magkasama sila sa mga show na “Sarap, Di Ba?” at sa Sunday Variety show ng GMA-7 na “All-Out Sunday.”



Unang sasabak si Cassy sa isang teleserye minus Mavy, sa “First Yaya” at siya ang magiging love interest ni JD Domagoso na sasabak na rin sa serye.

Samantala, si Mavy naman ay sa isang youth- oriented comedy-gag-variety show na “Flex”.

Okey lang naman kaya kay Mavy na naunahan pa siya ni Cassy sa paggawa ng teleserye na pareho nilang gustong gawin?

Ayon kay Mavi, okey lang daw iyon kasi magpo-pokus na muna siya sa bagong show nila nina JD Domagoso, Lexi Gonzales (Starstruck Ultimate Female Avenger), and Althea Ablan (isa sa mga ‘Prima Donnas’), pero hindi naman daw niya inaalis ang pag-asang mabibigyan na rin ng isang teleserye ngayong taon ng GMA-7.

Dagdag pa ni Mavy na isa ring pagkakataon na hindi pa siya nabigyan ng serye dahil sa palagay ni Mavy ay kailangan pa niyang ihanda ang sarili sa pagsabak sa dramahan.



Palagay naman ang kanyang kalooban at parehong artista ang kanyang magulang na magga-guide sa kanya kung paano ang tamang pag-arte.

Nang matanong si Mavy kung mabibigyan siya ng chance na makapili ng magiging kauna-unahang ka-loveteam niya sa serye, sinu-sino kaya ito?

Sey ni Mavy, feel niyang maka-loveteam sina Kyline Alcantara, Ysabel Ortega, Kisses Delavin, at Kate Valdez. Friends daw niya ang mga ito at mabibigyan daw si Mavy ng nice boost kung malapit sa kanya ang kapareha.

Pero sa apat, si Kyline ang angat para kay Mavy bilang kapareha kasi ito raw ang pinakamalapit sa kanya bilang kaibigan at alam na raw niya ang galawan nito pagdating sa aktingan.

Ano naman kaya ang makokomento ni Miguel Tanfelix sa tinuran ni Mavy? O di nga ba, nali-link ngayon sina Miguel at Kyline?

***

UNTI-unti nang bumabangon ang showbiz industry at isa sa masasabing lucky actor ay si John Estrada.

Kaya kasi niyang tawirin ang 3 networks ngayon, Kapuso, Kapatid at Net 25. Bukod kasi sa isang comedy show na gagawin ni John kasama ang nagbabalik-showbiz na si Ellen Adarna, sa TV5’s “John & Ellen” na tila halaw sa superhit na comedy show ng kapwa yumaong sina Dolphy at Nida Blanca, ang “John En Marsha,” anytime ay sasabak na rin si John sa taping para sa bagong proyekto ng GMA 7, ang upcoming drama soap na “Babawiin Ko Ang Lahat.”

Bago pa man magkaroon ng health crisis sa bansa ay nakatakda na sana itong gawin ni John pero nahinto dahil sa pandemya. Masuwerteng maituturing si John kasi okey lang sa Kapuso Network na may project siya sa TV5 at hindi siya pinalitan sa naturang teleserye ng GMA7.

Ang nagagawa nga naman ng maayos na usapan.

Kung luck din naman ang pag-uusapan, tila lucky year ni Pauline Mendoza ngayong taon. Kasi nga naman, launching project ni Pauline ang “Babawiin Ko Ang Lahat.”

Hindi nga inaakala ng dalaga na sisimulan na nilang mag-taping lalo pa nga’t inuuna na muna ng management ang mga project na nahinto noong lockdown.

And take note, bigatin ang mga support ng young actress, maliban kay John, kasama rin sina Carmina Villarroel, Tanya Garcia, Kristoffer Martin, Liezel Lopez, at Manolo Pedrosa.