Advertisers
ARESTADO ang tatlong Nigerian nationals sa magkahiwalay na buy-bust operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Cavite PNP sa General Trias, Lunes ng gabi.
Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang unang buy-bust ay ginawa 8:50 ng gabi. Naaresto rito ang dalawang Nigerians na sina Benjamin Enemuo, 28; at Chidubem Nwonu, 22-anyos, kapwa residente ng Barangay Navarro, General Trias City. Nakuha sa kanilang posisyon ang nasa 1,000 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 million.
Sa follow-up operation 11:30 ng gabi, nakuhanan ng nasa 5,000 grams ng marijuana na nagkakahalaga ng P600,000.00 at 500 grams ng shabu si Ifeanyi Ofoma, 22, ng Barangay Bacao 1, General Trias City.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa tatlong drug suspects.(Irine Gascon)