Advertisers
BANGKAY na nang mailabas ang tatlong senior citizens mula sa nasunog nilang bahay sa Barangay Talomo Proper, Davao City, Lunes ng hapon.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection XI, kinilala ang mga biktima na sina Claudio Libre, 81; Gloria Aurora Libre, 79; at Angelo Ocquialda, 60.
Makikita sa video ni Chris Elben Regis ang paglagablab ng malaking apoy na lumalamon sa dalawang bahay sa Central Park, Bangkal.
Ayon sa BFP, unang nasunog ang isang sasakyan na kinukumpuni dahil sa hinihinalang electrical short circuit.
Dahil sa lakas ng apoy, nasunog din ang bahay ng mga biktima.
Tinatayang aabot sa P400,000 ang halaga ng pinsala ng insidente.