Advertisers

Advertisers

10% DISCOUNT SA BUSINESS RENEWAL, SAMANTALAHIN — ISKO

0 252

Advertisers

HINIKAYAT ng punong ehekutibo ng kabisera ng bansa na si Mayor Isko Moreno ang lahat ng mga nagmamay-ari ng negosyo sa lungsod na samantalahin ang 10 porsyentong diskwento para sa mga magre-renew ng kanilang permits bago mag-Enero 20, 2021.

Pinasalamatan ni Moreno si business permit and licensing office chief Levi Facundo sa paggawa nito ng Business One Stop Shop sa 4th Floor level ng SM Manila, katabi ng Manila City Hall.

Dito, ayon kay Facundo ang lahat ng mga may-ari ng negosyo ay puwedeng magtransact araw-araw mula 7a.m. hanggang 5 p.m. Lunes hanggang Biyernes at 10 a.m. hanggang 4 p.m. tuwing Sabado.



Maliban pa sa mall, sinabi ni Facundo na maari ding magbayad sa online upang hindi na maghabol ng oras, gumastos at mahirapan sa biyahe at parking.

Sa pamamagitan ng GoManila app, sinabi ni Moreno na ang lahat ng gustong mag-renew ng kanilang negosyo ay maari ng makaiwas sa posibleng exposure sa COVID-19 at gawin ang transaksyon sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Kaugnay pa nito ay pinuri ng alkalde ang hepe ng electronic data processing (EDP) chief na si Fortune Palileo dahil sa ginawa nitong mapabuti at mapadali ang pagbabayad sa online system sa Maynila para sa kapakanan ng mga taxpayers at iba pang transaksyon.

Samantala, pinasalamatan ni Moreno ang mga residente ng lungsod sa pagtugon sa kanyang panawagan na gamitin na lamang ang kanilang pera sa mas mahahalagang bagay kaysa, gamitin sa paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa kaunahang pagkakataon sa kasaysayan ng Maynila, ayon sa alkalde ay nasaksihan niya na 90 porsyento ng populasyon ng lungsod ang hindi nagpaputok, kung kaya naman walang narehistrong firecracker-related accidents.



Pinasalamatan din ni Moreno ang buong Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni Gen. Leo Francisco dahil nadama ng lungsod ang kanilang presensya noong holiday season. (ANDI GARCIA)