Advertisers
MAKALIPAS ang halos tatlong taon na pagtitiis ng isang paslit, nakulong din ang 46-anyos na sariling ama nito na inireklamo niya ng panggagahasa sa Barangay Graceville, City of San Jose Del Monte, Bulacan.
Sa report ni PNP Provincial Director, Col. Lawrence Cajipe, kinilala ang suspek na si Charlie Rosales, habang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Claudia.
Ayon sa biktima, nagsimula siyang molestayhin ng manyak na ama noong 8-anyos pa lamang siya. At dahil sa matinding takot sa ama ay hindi niya nagawang magsumbong.
Nito lamang Enero 3, 2021 muli na naman umano siyang pinagsamatalahan ng ama, at pinagbantaan siyang papatayin kung hindi siya susunod sa kagustuhan nito.
Gayunman naglakas-loob na ang paslit na magsumbong sa barangay, dahilan ng pagkakaaresto sa manyak na ama.
Agad sinampahan ng kasong paglabag sa RA 8353 (Incestuous Rape) ang ama na kasalukuyang nakakulong sa San Jose del Monte City Jail. (Thony D. Arcenal)