Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MUKHANG taon ngayon ni Bea Alonzo, ayon sa ginawang tarrot reading sa kanya ng psychic na si Niki Viscarra.
Natuwa si Bea in a sense na sa mga hula sa kanya, tatlo rito ay tila nangyayari na.
Bobongga raw ang karir ng aktres ngayong 2021.
Walong pelikula ang gagawin nito at mismongsa IG ni Bea ay ibinahagi nito na may tatlong film projects siya this year.
Bukod sa career ay magniningning din daw ang kanyang lovelife ayon na rin sa tarrot card.
Sa nabunot nitong baraha ay puwede na anya siya mag-asawa now pero mauuwi rin daw sa hiwalayan.
Mga pitong buwan o pitong taon ay puwede na nga raw itong bumuo ng pamilya at kung sa anak naman ay nakikita na isang boy at isang girl ito.
Sumagot naman si Bea na kung makakapag-asawa pa siya after seven years ay napa-OMG ito dahil edad kuwarenta na raw siya nuon.
Pahabol pa sa pagbabasa kay Bea na kung magnenegosyo ito ay hindi raw ito ang taon para suwertehin siya.
Sa kanyang career nga raw bilang aktres ay kikita anya ito ng limpak-limpak.
***
SINUPORTAHAN si Angel Locsin ng kanyang followers na sa tatlong wish ng dating Darna ay matutupad.
Maraming wishlist si Angel this year at isa nga rito ay maging maayos na ang pamumuhay ng sambayanang Pinoy at magbalik na sa normal ang buhay ng lahat.
Ang mga wishlist ni Angel ay ang pagbabalik ng ABS-CBN, magbalik na sa dating kaseksihan ang katawan nito at ‘wag raw sanang umulan sa araw ng kasal nito.
Sa mga komento ng tagasuporta sa socmed ay sinang-ayunan nila na matutupad ang mga hiling nito ngayon taon.
Dahil sa pagiging pilantropo ni Angel ay asahan nga raw na matutupad ang kanyang mga kahilingan ngayon bagong taon.
Well, well, well…’Yun na!