Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
PAGKATAPOS na magpahayag ni Diego Loyzaga ng kanyang nararamdaman kay Barbie Imperial, umamin na rin ang dalaga sa kanilang espesyal na relasyon.
Ito ay pagkatapos na isapubliko ni Diego ang kanyang pagtatangi kay Barbie.
Sa kanyang post, pinasalamatan ni Barbie ang aktor dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.
Ani Barbie, hindi raw niya umano inasahan na hahantong ang inakala niyang pagkakaibigan sa pagkakamabutihan.
Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Barbie ang umano’y pinakapaborito niyang litrato nilang dalawa ng aktor.
Sey niya, masaya umano siya na natagpuan niya ang “love and friendship” kay Diego.
“Thank you for making me happy & feel loved. Thank you for everything that you do to make me feel the love I deserve. So thankful for you, thank God for you #angcheezynibarbie pagbigyan ngayon lang ulit naging ganito,” pahayag ni Barbie.
Bumuhos naman ang pagbati mula sa malalapit na kaibigan ng dalawa mula sa showbiz kagaya nina Karla Estrada, Toni Labrusca, Elisse Joson at marami pang iba.
Kabilang sa nagpahayag ng kasiyahan para sa dalawa ay si Sunshine Cruz na malapit sa kanilang parehas.
Si Diego ay anak ng dating asawa ni Sunshine na si Cesar Montano.
Malapit din si Diego sa mga kapatid niya sa ama na anak ni Sunshine.
Kasalukuyan namang magkatrabaho sina Sunshine at Barbie sa isang teleserye sa Kapamilya network na gumaganap silang mag-ina.