Advertisers
Kailan pandemic saka naman yumayaman mga kapitan ng barangay dito sa Pasay. Yung iba tatlo tatlo sasakyan at kuntodo alahas pa.. Ano ba yan, DILG at COA? – Concerned citizen
Yorme, ang Paymaya ng seniors, pls…
Paymaya mula Abril to December nakanganga nalang mga uukod ukod na mga senior. Sabi, ibibigay bago mag-Pasko. Natapos ang pasko, baka matapos rin ang bagong taon nganga parin kami. Baka siguro naman bago magpiyesta ng Tundo makainom na kami ng gamot namin. Haba ng pang-unawa na ibinigay ng mga senior. Sana kami naman unawain ni Yorme. Asawa ko SAP 1, 2 at 3 tranche wala pa rin natatanggap. Pero si Gen. Bahotista nabubulunan na sa dami ng nakupit sa SAP, halos masuka na ang hayop. – Juan po.
Nakaka-praning na si Duterte
SA totoo lang po, ibinoto ko si Duterte noong eleksyon. Buong akala ko kasi ay totoo siya sa lahat ng pangako niya. Puros kasinungalingan pala. Wala naman siyang aksyon sa grabeng korapsyon ngayon eh. Mga tao nya lantaran na ang pangungulimbat ipinagtatanggol nya parin. Yung sinasabi niyang wawakasan niya ang iligal na droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan, wala naman nangyari. Lalo pa ngang naging talamak ang shabu. Tapos ang mga isinapublikong pangalan ng mga kongresista na korap daw parang kalokohan lang, wala daw ebidensiya pero isinapubliko niya. Sabi niya uunahin ang mahihirap bakunahan, pero ang inuna pala ang mga sundalo at gabinete niya. Pinagloloko nalang tayo ni Duterte. Hinding hindi ko na iboboto nga iendorso niya sa 2022. Sira-ulo siya! – Mang Pandoy