Advertisers
DINAKIP ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isang TNVS at isang taxi na bukod sa naniningil sila ng sobra sa mga pasahero, bumibiyahe pa ang isa sa kanila na lagpas sa kanilang boundary sa Pampanga.
Sa ulat, ikinasa ng LTFRB Region 3 ang kanilang anti-colorum operations nang makatanggap ng mga sumbong.
Tinarget ng mga awtoridad ang mga nagsasakay sa Jose Abad Santos Avenue sa San Fernando, Pampanga pabiyaheng Metro Manila.
Unang hinuli ang TNVS na namataang may sakay na apat na pasaherong biyaheng Metro Manila.
Siningil ng TNVS ang mga pasahero ng P600, na malayo sa P100 lang na pamasahe sa bus.
Kahit valid ang prangkisa ng TNVS driver, hindi siya maaaring bumiyahe sa labas ng Pampanga.
Hindi na nagbigay pa ng pahayag ang driver.
Sunod na hinuli ang taxi na bagama’t puwedeng bumiyahe sa anomang lugar sa Luzon, hindi naman siya puwedeng mangontrata.
Matapos nito, binaba ang mga pasahero at dinala sa terminal, at in-impound naman ang TNVS at mahaharap ang operator sa paglabag sa prangkisa.