Advertisers

Advertisers

Sen. Go, inayudahan ang mga biktima ng bagyong “Vicky” sa Agusan del Sur

0 338

Advertisers

PERSONAL na dinalhan ng tulong ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga biktima ng bagyong Vicky sa Bunawan, Agusan del Sur.

Namahagi si Go ng mga food packs, face masks, face shield, vitamins at iba pang tulong sa mga residente ng nasabinbg bayan sa Zotico C. Moday Sports Complex and Cultural Center

Maliban sa dalang tulong, kasama din ni Go ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Agriculture na namahagi ng puhunan at iba pang tulong sa mga magsasaka sa lugar



Dito pinaalalahanan ni Go ang mga residente ng lugar na huwag magpakakampate habang wala pang bakuna laban sa COVID-19 at sa halip ay sumunod sa health and safety protocol.

Bukod sa Bunawan, binisita at nagdala din ng tulong sa Go sa mga mahihirap na mamamayan ng mga bayan ng Prosperidad, Rosario,Cabadbaran, San Francisco at Talacogon

Siniguro naman ng ng senador at ng mga staff na mahigpit na nasunod ang ga health and safety protocol sa paghahatid nila ng tulong sa mga kababayang nangangailangan.

Una nang tiniyak ni Go na kahit ngayong holiday season ay hindi titigil ang kanyang tanggapan sa paghahatid ng mga tulong partikular sa mga biktima ng mga nagdaang kalamidad. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">