Advertisers

Advertisers

PULIS PATAY, 1 SUGATAN SA SINITANG RIDING IN TANDEM

0 287

Advertisers

PATAY ang isang pulis habang sugatan ang isa pang kasamahan nang barilin ng sinitang riding in tandem sa harap mismo ng kanilang sub-station sa Caloocan City, Martes ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Corporal Dexter Rey Teves, at sugatan naman si Cpl Rex Graham Abigan.
Ang mga salarin ay kinilalang sina Clark Castillo, 20-anyos, residente ng Phase 7 Bagong Silang, Caloocan City; at Macoy Toreda.
Sa ulat ng Caloocan City Police, nagsasagawa ng ‘Oplan Sita’ ang dalawang pulis sa tapat ng Police Sub-Station 7 sa Barangay 167 nang parahin ang riding in tandem.
Ayon sa report, nakitaan ng iligal na droga ang mga lalaki kaya nagkaroon ng komosyon.
Bumunot ng baril ang nagmamaneho ng motor at pinutukan ang mga pulis.
Dalawang beses na tinamaan sa dibdib ang isang pulis, habang tinamaan sa paa ang isa pa.
Nang makarinig ng putukan si SSgt Christopher Anos, mabilis itong lumabas at pinaputukan ang riding in tandem. Nasapul si Toreda na agad na napatay. Tumakas ang angkas nito na si Castillo, subali’t nahabol ng mga pulis at nadakip.
Dinala sa ospital ang dalawang nabaril na pulis subali’t dead on arrival si Teves.