Advertisers

Advertisers

NPA patay sa engkwentro sa Bukidnon

0 200

Advertisers

PATAY ang isang miyembro ng New People’s Army at sugatan ang kasama nito sa engkwentro sa Barangay Silo-o, Malitbog, Bukidnon.
Kinilala ang rebelde na si Leonido Pacheco alyas Macdong, kasapi ng Special Partisan Unit (SPARU) ng Sub-Regional Committee 1 (SRC1).
Narekober ang dalawang M16 rifles, isang KG-9, magazines, mga bala at mga subersibong dokumento.
Habang ang sugatang kasamahan ni Pacheco ay kinilalang si Aman Bilayong alyas Neri, miyembro ng Platoon Ryan, Motorola, SRC1, Northern Central Mindanao Region Command (NCMRC).
Kaagad dinala ang sugatang rebelde sa Camp Evangelista Station Hospital sa Cagayan de Oro upang lapatan ng lunas.
Patuloy ang mga operasyon ng mga sundalo laban sa mga rebelde.