Advertisers

Advertisers

Isko nagbabala sa health workers na sangkot sa iligal na pagbabakuna

0 224

Advertisers

MAARING maharap sa reklamong administratibo at kriminal ang medical professionals na mangangasiwa ng vaccination o pagbakuna ng produktong hindi sertipikado o rehistrado ng Food and Drug Administration (FDA).
Ito ang babala ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga health worker sa Maynila na masasangkot sa hindi otorisadong pagtuturok ng COVID-19.
Paalala pa ng alkalde, huwag sila basta-basta magtuturok dahil may responsibilidad at pananagutan sila bilang health professionals.
Ginawa ng alkalde ang pahayag nang maisiwalat ang nangyaring pagbabakuna ng Covid-19 sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaugnay naman sa napaulat na vaccination activity sa Binondo partikular sa may Ongpin, sinabi ng alkalde na hindi pa nila nakakalawit ang mga responsable sa nasabing illegal na pagbabakuna. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)