Advertisers

Advertisers

Covid update: 518 gumaling; 68 nasawi; 1,014 bagong kaso

0 597

Advertisers

SUMIPA na sa 472,532 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng Covid-19 sa bansa kung saan 1,014 ang bagong nadagdag.
Samantala ay mayroon namang naitalang 518 na gumaling at 68 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.0% (23,793) ang aktibong kaso, 93.0% (439,509) na ang gumaling, at 1.95% (9,230) ang namatay.
Nanguna ngayon ang Quezon City sa mga probinsya at siyudad na may naitalang mataas na kaso ng sakit na mayroong 67.
Sinundan ito ng Benguet na mayroong 57; 48 sa Makati, 44 sa Bulacan at 40 sa Laguna. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)