Advertisers

Advertisers

Bucks pinulbos ang Miami 144-97

0 220

Advertisers

NALASAP ng Miami Heat ang pinakamasaklap na pagkatalo sa kasaysayan ng prangkisa matapos tambakan sila ng 47 puntos ng Milwaukee Bucks kahapon.

Napantayan ng Heat ang 47-point margin sa Heat history nang matalo naman sila ng grupo ni Pat Riley noong nasa Los Angeles Lakers pa ito noong 1987.

Hindi rin nakaporma ang Miami sa walang humpay na three point shots na pinakawalan ng Bucks mula sa umpisa ng game para iposte ang ikalawang panalo. Nagtala ng NBA record ang Bucks na may pinakamaraming three points na naipasok sa isang game na umabot sa 29.



Ang two-time reigning MVP na si Giannis Antetokounmpo ay meron lamang nine points, pero nagtulong tulong ang kanyang mga teammates na lahat nakapuntos mula sa three point area.

Minalas pa ang Miami dahil hindi nakapaglaro ang kanilang star player na si Jimmy Butler bunsod nang pilay sa kanang bukong-bukong.

Muling magtutuos ang dalawa mamayang gabi Biyernes sa Pilipinas sa Miami pa rin.