Advertisers
MATUMAL ang bentahan ng mga pailaw sa Divisoria isang araw bago salubungin ang Bagong Taon.
Ito ay dahil sa ipinagbawal ang mga paputok sa Metro Manila.
Hindi rin sinlakas ang bentahan ng mga pailaw at lusis ngayong taon kumpara sa nakaraang taon.
Matumal din ang bentahan ng torotot matapos irekomenda ng Department of Health na posible itong maging dahilan ng pagkalat ng sakit.
May mabibiling lusis sa hanggang P30 hanggang P90 habang ang fountain ay nasa P50 hanggang P130 depende sa laki.(Jocelyn Domenden)