Advertisers
Upang maibalik ang sigla ng Nilad plant sa Maynila at mapayabong na mga bakawan, sinimulan na ang pagtatanim nito sa paligid ng Baseco.
Simbulo ng lungsod ang halamang Nilad sa mga nakalipas na daang taon.
Pinangunahan nina Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu at Manila Vice Mayor Honey Lacuna ang pagtatanim ng naturang halaman sa katubigang sakop ng Baseco sa Tondo, Maynila.
Naikumpara naman ni Cimatu ang nasabing aktibidad sa Battle of Manila Bay na noon ay tuluy-tuloy na gumagamit ng navy artillery, ngunit ngayon ay ‘battle of kalikasan; na ang pangunahing sandata ay ‘writ of kalikasan’.
Dahil naman sa pagiging responsable upang maging malinis ang Manila Bay ay pinasalamatan ng kalihim ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamumuno ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso dahil sa pagtulong nito sa national government.
Pinansin din ni Cimatu ang kalinisan at kaayusan ng Baseco dati aniya ay isang magulo at maruming lugar na mahirap mapuntahan.
Pinuri din ni Cinatu ang alkalde at mga opisyal ng lungsod dahil sa magandang disiplina na ipinapakita ng mga residente sa lugar.(Jocelyn Domenden)