Advertisers

Advertisers

2 lider ng communist terrorist group timbog sa Sorsogon

0 347

Advertisers

TIMBOG ang dalawang lider ng communist terrorist group sa operasyon ang militar sa Barangay Lalud, Bulusan, Sorsogon.
Kinilala ang mga naaresto na sina Enriquita Guelas alyas Cora/Corazon Escandor, secretary ng Larangan 2, Komiteng Probinsya 3 (KP3) ng Bicol Regional Party Committee (BRPC); at Elizabeth Estilon alyas Lanie na medical staff ng grupo.
Nabatid na si Guelas ay asawa ni Winefredo Guyala Griego alyas Adax/Lolo na may ranggong number 2 ng Platoon 2.
Nakatakas si Griego sa naturang operasyon.
Ayon kay Major General Henry Robinson Jr, pinuno ng Joint Task Force Bicolandia, nagbabalak ang mga naarestong komunista na manggulo noong araw ng Pasko sa Sorsogon pero nasawata ng pinagsanib na puwersa ng 31st Infantry Battalion (31IB) at PNP Sorsogon.
Nakuha sa mga rebelde ang ilang baril, mga pampasabog at terroristic propaganda materials.
Ayon kay Robinson, dahil walang umiiral na Suspension of Military Operations (SOMO) sa panahon ng Kapaskuhan, tuloy ang kanilang operasyon laban sa mga kalaban ng estado. (Mark Obleada)