Advertisers
ISINAILALIM ng lokal na pamahalaan ng Navotas City sa dalawang linggong lockdown ang isang kalye sa Barangay Bangkulasi.
Ito ay matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang siyam na residente ng naturang barangay.
Ayon sa Navotas City LGU, mananatiling naka-lockdown ang naturang kalye hanggang Enero 2 ng susunod na taon.
Sinabi ni Navotas City contact tracing team leader Aljun Gregorio, nabatid na positibo sa COVID-19 ang siyam matapos na isalang sa swab test ang lahat ng residente sa eskinita.
Umaabot sa 60 pamilya ang aapektuhan ng lockdown sa nabanggit na bahagi ng barangay kulasi.