Advertisers

Advertisers

Mga kotse, tricycle nabagsakan ng poste sa Las Piñas

0 248

Advertisers

NADAGANAN ang isang kotse at nadamay ang 5 pang sasakyan nang bumagsak ang 3 poste sa J. Aguilar Avenue o mas kilala bilang CAA Road sa Las Piñas City, Martes ng gabi.
Sa ulat, pumutok ang kuryente kasunod ng pagbagsak ng mga poste 8:20 ng gabi.
Ayon sa nakakita at kumuha ng video na si Vonn Obo, nahagip ng bumibiyaheng cement mixer truck ang nakasabit na mga kable ng kuryente kaya nahila ang tatlong magkakahiwalay na poste.
Walang nasugatan sa insidente, pero napuruhan ng dalawang poste ang bubong ng isang dumadaan na kotse.
Ayon sa Bgy. CAA, na-trap sa mga bumagsak na kable ang tatlong tricycle, isa pang kotse at isang motorsiklo.
Dahil sa pangyayari, nawalan ng kuryente ng mahigit 3 oras ang 9 barangays sa Las Piñas, kabilang ang pinangyarihan na Bgy. CAA/BF International.
Ayon sa traffic investigation unit ng Las Piñas Police, nagkaroon ng temporary settlement sa pagitan ng truck driver at ibang sasakyan.