Advertisers

Advertisers

Construction worker nalibing ng buhay sa ginagawang gusali sa Caloocan

0 271

Advertisers

NALIBING ng buhay ang isang construction worker nang madaganan ng gumuhong lupa sa ginagawang pundasyon ng itatayong gusali sa Caloocan City.
Nanguna ang Bureau of Fire Protection-National Capital Region sa isainagawang retrieval operations sa Vista Verde Subdivision., General Luis St., Caloocan. Dahan-dahang hinukay ang natabunang bangkay ng biktimang kinilala sa pangalang Nelson Bartulay.
Ayon sa BFP, medyo nahirapan ang kanilang grupo na hukayin ang katawan ng biktima dahil lagpas tao na ang lupa na dumagan sa kanya, bukod pa sa malaking bato na dumagan sa bangkay.
Nabatid na naghuhukay ang mga construction worker ng pundasyon nang biglang gumuho ang gilid ng hinuhukay at tuluyang gumuho ang lupa at matabunan ang biktima.
Maswerte namang nakaligtas ang dalawa pa nitong kasamahan na mabilis na nakaakyat agad habang gumuguho ang lupa at naiwan ang biktima dahil naipit ng malaking bato.