Advertisers

Advertisers

Chief of Police sa Quezon sibak sa social distancing at panggugulo

0 230

Advertisers

SINIBAK sa puwesto ang hepe ng Dolores Municipal Police Station sa Quezon province dahil sa paglabag nito sa direktiba ng Philippine National Police (PNP) ukol sa mga social gathering.
Ayon kay Brig. Gen. Felipe Natividad, direktor ng Calabarzon PNP, pansaman-talang inalis sa kaniyang posisyon si Capt. Joseph Ian Java habang iniimbestigahan ang ulat na sangkot ang hepe sa isang “social gathering.”
Ikinuwento ni Dolores Mayor Orlan Calayag na sumugod si Java sa fellowship ng mga pulis at staff ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Ayon kay Calayag, base sa natanggap niyang report, nangyari ang fellowship noong Disyembre 19.
Sumugod umano ang hepe, na noo’y lasing, dahil hinahanap niya ang taong nag-post sa social media na sinasabing kapag pulis ay puwedeng mag-party.
Nanira pa umano ng mga gamit ang hepe at may mga nabasag ding gamit na pag-aari ng local government unit.
Pinagpaliwanag ng alkalde ang hepe. Umamin naman itong nakainom at sumugod sa MSWDO.
Ayon kay Calayag, wala pang isinumiteng report tungkol sa party ng mga pulis, na labag din sa health protocols. Wala rin aniyang ipinakitang larawan o ebidensiya sa sinasabing party.
Itinalaga bilang officer-in-charge ng Dolores MPS si Police Lt. Almario dela Rosa.
Naglabas kamakailan ang PNP ng direktiba na nagbaba-wal ng “social gatherings, parties and other similar activities,” lalo ngayong panahon ng Pasko.
Ipinagbabawal ang mga pagtitipon ng mga tao bilang hakbang laban sa COVID-19, na nakapanghawa na ng 462,815 sa Pilipinas.
Nitong buwan lang din, pinaalalahanan ni PNP Chief, Gen. Debold Sinas, ang mga pulis na mahigpit na sumunod sa COVID-19 protocols.
Dati naring nasangkot sa kontrobersiya si Sinas matapos magdaos ng mañanita para sa kaniyang kaarawan noong Mayo, kasagsagan ng mahigpit na quarantine.