Advertisers

Advertisers

4 mangingisda missing sa Cagayan

0 211

Advertisers

PINAGHAHANAP parin hanggang sa ngayon ang nawawalang apat na mangingisda nang tumaob ang kanilang sinasakyang bangka sa karagatang sakop ng lalawigan ng Cagayan.
Ayon kay Ensign Juanito Melad, acting Station Commander ng Coast Guard Cagayan, pauwi na ang magkapatid na Rowel at Reymund Taguba sa Barangay Bisagu, Aparri mula sa pangingisda nang tumaob ang kanilang bangka matapos hampasin ng malalakas na alon sa bahagi ng bukana ng ilog Cagayan sa nasabing bayan.
Ayon kay Melad, narekober ang wasak na bangka ng magkapatid sa Brgy. Allasitan, Pamplona, subali’t hindi nila natagpuan ang dalawang mangingisda.
Bukod dito, tumaob din ang dalawang bangka ng apat nilang kasamahang nangisda subalit nakaligtas naman ang mga ito.
Nagpapatuloy din ang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard sa dalawa ring mangingisda na unang naiulat na nawawala noong December 12, 2020.
Inihayag ni Melad na galing naman sa bayan ng Claveria sina Jaynard Umengan, residente ng Camiguin, Calayan; at Jerome Villena ng Babuyan, Island nang maiulat silang nawawala.
Ayon sa kamag-anak ng dalawang nawawalang mangingisda, pauwi narin ang mga ito subalit hindi na sila nakarating sa kanilang bahay hanggang sa ngayon.
Samantala, inalerto ng coast guard ang ibat ibang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at iba pang mga rescue team para mahanap ang mga nawawalang mangingisda dito sa lalawigan ng Cagayan. (Rey Velasco)