Advertisers

Advertisers

Pakinabang sa gobyerno ang mga hudas sa sindikato!

0 260

Advertisers

Gaano man kahusay ang LAW ENFORCERS ay limitado pa rin ang kanilang madidiskubreng mga ilegalidad na tanging malaking katulungan sa mga ito ay ang mga HUDAS o maghuhudas sa sindikatong kanilang sasalakayin.

Kaya ang PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA) ay malaki ang ibinibigay nilang pagpapahalaga sa mga HUDAS o ang mga INFORMER sa paraang binibigyan ang mga ito ng REWARD MONEY bilang pabuya sa ilalim ng OPERATION PRIVATE EYE.

Sa simpleng seremonyang isinagawa kamakalawa ng PDEA sa pangunguna ni DIRECTOR GENERAL WILKINS VILLANUEVA ay ipinagkaloob sa mga INFORMER ang kani-kanilang REWARD MONEY na 2 sa mga ito.ang tumanggap ng tig-P2 milyon na iniharap sila sa mga MEDIAMEN at pinangalanang sina JUN, na ito ang naging daan sa isinagawang buybust noong June 11, 2020 sa GEN. TRIAS, CAVITE na ikinakumpiska ng 371,094.8 gramo ng shabu at ikinaaresto ng 3-katao. Nitong October 30, 2020 ay si alyas MUSANG naman ang naging daan sa pagkakakumpiska ng 239,153.8 gramo ng shabu sa CABANATUAN CITY, NUEVA ECIJA at ikinaaresto ng isang drug personality.



Kabuuang P14,758,156.99 ang naipamahaging REWARD MONEY ng PDEA.., na isang pamamaraan ng nasabing ahensiya upang mahikayat ang mga taong may kaalaman sa drug syndicate na makipagtulungan para sa pagsugpo ng droga.

“The granting of financial rewards and incentives is under PDEA “OPERATION PRIVATE EYE”, a citizen-based information collection program designed to encourage the active participation of private citizens to report illegal drug activities in their communities,” pahayag ni VILLANUEVA.

Sa pagpasok ng bagong taon ay may babala si VILLANUEVA na higit nilang paiigtingin ang operasyon laban sa ilegal na droga.., na pasisimulan nila sa bara-barangay ang pagsuyod at pangangatok sa mga bahay-bahay o ang TOKHANG upang tuntunin ang lahat ng mga nanatiling gumon pa rin sa ipinagbabawal na droga.

Para sa DRUG SYNDICATES.., pakiramdaman na ninyo kung sino ang HUDAS sa inyong mga kasamahan dahil sigurado, kung hindi man punerarya ang kababagsakan nyo ay sa bilibid na kayo masasadlak at ang banta ng PDEA ay wala umano silang sisinuhin.., maging kabaro nila ang madiskubreng sangkot sa illegal drugs ay sementeryo o kulungan lang ang sasapitin ng mga ito!

IPUTOK ANG BARIL SA MGA KRIMINAL!



Mahigpit na nagbabala si EASTERN POLICE DISTRICT (EPD) DIRECTOR BRIGADIER GENERAL MATTHEW BACCAY sa lahat nilang mga tauhan na maging responsable sa paggamit sa kanilang service firearms.

Ipinunto ni BACCAY na ang baril ng mga pulis ay huwag iputok o gamitin sa mga tahimik at walang kalabanlabang mamamayan.., kundi ang baril ay gamitin o iputok lamang sa nanlalabang mga kriminal.

Ang puntong ito ni BACCAY ay bilang reaksiyon sa insidente ng isang pulis na animo’y namamaril lamang ng manok sa mag-inang kapitbahay nito sa PANIQUI, TARLAC.

Sa pagseselebra ngayon ng Kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon ay dati na aniyang ipinaiiral ng kapulisan ang pagbabawal sa indiscriminate firing at ang nakagawiang paglalagay ng masking tape sa dulo ng baril ng mga pulis ay hindi na umano isasagawa dahil malalaman din naman kung nagpaputok o hindi ang kanilang mga kasamahan sa serbisyo.

Pabor ako sa panuntunang ito na hindi kakailanganing lagyan ng masking tape ang dulo ng baril ng mga pulis.., dahil ang krimen ay walang pinipiling oras o araw at ang mga pulis ay nasa panahon ng kanilang serbisyo na kung reresponde ang mga ito at paputukan sila ng mga kriminal ay kailangan namang idepensa ng mga pulis ang kanilang mga sarili.., ika nga.., kung kinakailangang gamitin ang baril ay dapat lamang gamitin at iyan ay sa paraang pagdedepensa sa sariling seguridad ng mga pulis at hindi para sa pang-aabuso ng katungkulan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.