Advertisers

Advertisers

Go sa 2022 presidentiable lists, ‘Count me out’

0 216

Advertisers

“Please count me out!”

Ito ang tugon ni Senador Christopher “Bong” Go matapos mapasama ang pangalan niya sa mga sinasabing matunog sa presidency sa 2022 national elections.

Tahasang sinabi ni Go na huwag siyang isama sa mga survey dahil wala siyang planong tumakbo sa presidential election sa 2022.



Sinabi ni Go na hindi napapanahon na pag-usapan ang pulitika ngayon lalo na at nahaharap sa matinding health problem ang bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Pabiro pang inihayag ni Go na baka walang pag-usapang pulitika kapag hindi naresolba ang pandemya.

Ayon kay Go, binigyan na siya ng pagkakataon ng Diyos at ng taumbayan na magsilbi bilang Senador bagamat dati na siyang nagsisilbi noong aide pa lamang siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tulad aniya ng naipangako niya noon, sa abot ng kanyang makakaya ay patuloy siyang magsisilbi sa taumbayan dahil wala na siyang mahihiling pa sa Panginoon. (Mylene Alfonso)