Advertisers

Advertisers

FREE SWAB TESTING SA MAYNILA, SUSPENDIDO MUNA – ISKO

0 278

Advertisers

ILANG araw munang sususpindihin ng Manila City government ang pagsasagawa ng libreng mass swab testing sa Maynila, laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa inilabas na paabiso ng Manila Health Department (MHD) sa ilalim ni Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan, nabatid na wala munang libreng mass swab testing simula Disyembre 23, Miyerkoles, sa lungsod.

Magtatagal ang suspensiyon ng aktibidad hanggang sa Disyembre 27, Linggo.



Nabatid na muli namang magbabalik ang libreng mass swab testing sa Disyembre 28 hanggang Disyembre 30.

Gayunman, muli naman itong sususpindihin mula Disyembre 31, 2020 hanggang sa Enero 3, 2021 upang bigyang-daan naman ang pagsalubong ng mga Pinoy sa Bagong Taon.

Inaasahan namang magpapatuloy ang pagsasagawa ng libreng swab testing sa Enero 4, 2021, Lunes.

Matatandaang ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagbibigay ng libreng swab testing laban sa COVID-19, bilang bahagi ng pagsusumikap na masugpo ang pagkalat ng sakit sa lungsod. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">