Advertisers
Umpisa na ngayong araw ang bakbakan sa National Basketball Association (NBA). Maraming storylines na dapat nating abangan sa pagsisimula ng season.
Isa na rito ang pagbabalik ni Kevin Durant na ngayon ay nasa New Jersey Nets na. Huli nating napanood si Durant sa championship series ng Golden State Warriors at Toronto Raptors noong 2019 kung saan niya natamo ang ACL injury na naging dahilan para hindi siya makapaglaro noong nakaraang season.
We are going to see kung magiging epektibo ba ang tandem nina Durant at Kyrie Irving kahit na pareho silang ball-dominant players.
Aabangan din natin this season ang drama surrounding James Harden of the Houston Rockets na nagde-demand ng trade.
For the first time ay makikita natin sa Eastern Conference ang former MVP na si Russell Westbrook na ngayon ay nasa Washington Wizards na. Iba ang style of play sa East, but we still expect Westbrook to put up big all-around numbers.
Siyempre, hindi kumpleto ang NBA kung hindi mapag-uusapan si LeBron James at ang defending champs Los Angeles Lakers.
Nakuha nina LeBron at Anthony Davis ang 1-2 spot sa ESPN ranking ng Top 100 players sa NBA kaya naman paboritong umulit ang Lakers ngayong season.
Mukhang nagsimula na ring maghanda ang Lakers for the life after LeBron dahil dalawang bigating young players ang nakuha nila sa free agency – ang Sixth Man of the Year na si Montrezl Harrell at ang runner-up sa nasabing award na si Dennis Schroeder.
Kung makakabalik sa dati niyang porma si Durant ay hindi malayo na muling magharap sa kampeonato ang Lakers at ang Nets.
Magiging NBA-centric ang ating mga susunod na kolum as we navigate the 2020-2021 NBA season.