Advertisers

Advertisers

Shaina nasarapan sa alaga ni Cong. Alfred

0 251

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

HONORED at labis ang pasasalamat ni Shaina Magdayao na naging bahagi siya ng pelikulang Tagpuan na offical entry ng Alternative Vision Cinemas sa  2020 Metro Manila Film Fesrtival.

Hindi nagdalawang-isip si Shaina na tanggapin ang pelikula dahil mahusay ang direktor nilang si Macarthur Alejandre.



“You will learn a lot from direk Mac, mahusay siya, mahusay. At ang bilis naming nagkagaanan ng loob sa set, it’s my first time working with him in a movie, and sana masundan.”

Incidentaly, ang pinakaunang pelikula na dinirehe ni direk Mac, ang Campus Girls noong 1995, ay pinagbidahan ng ate ni Shaina na si Vina Morales kasama sina Donita Rose, Geneva Cruz at Donna Cruz.

Isa pang dahilan kaya tinanggap ni Shaina ang pelikula ay dahil sa sumulat ng kuwento ng pelikula na si Ricky Lee.

“Hindi ko naisip na tanggihan ang Tagpuan because it’s a Ricky Lee script.

“Minsan lang po dumating sa buhay ng isang artista ang ma-offer-an na gumanap ng isang karakter ni Ricky Lee. It was such an honor.”



Umani ng papuri si Shaina mula sa leading man (at producer din) ng Tagpuan na si Alfred Vargas.

“Ako po yung artista na I always look forward to working with different actors.

“Kumbaga, isa po ‘yan talaga na collaboration for me because ako’y naniniwala na bawat artista na katrabaho ko po, kung ano yung bigay nila, magiging iba rin yung bigay ko dahil sa generosity nila.

“At isang generous actor si Mr. Alfred Vargas.

“He really took care of me maski off cam. Having a producer like Alfred, kailangan pa po natin ng mga producer na katulad niya.”

Bilang si Tanya ay isang adventurous na babae ang karakter ni  Shaina sa Tagpuan.

Sa tunay na uhay ba ay adventurous si Shaina, lalo na pagdating sa pag-ibig?

“Siguro noong bata ako. Na-witness naman niyo po yun.

“Wala naman akong itinatago pagdating diyan sa buhay ko.

“You’ve witnessed me fall in love and have my heart broken only to rise up again.

“Siguro ngayon, mas bina-value ko po yung energy ko, yung oras ko, yung buhay ko, yung emotions ko, kaya medyo po hindi na tayo ganoon ka-adventurous.

“Natuto na po tayo,” deretsahang sagot ni Shaina.

Bukod kina Shaina at Alfred (as Allan) ay bida rin sa Tagpuan si Iza Calzado (as Agnes).

Mapapanood sa buong mundo simula sa araw ng Pasko,  December 25, maaaring mag-book ng tickets ng Tagpuan https://www.gmovies.ph/content/vod/tagpuan/5fc598b4f2997b0347425b92?lang=en

***

MABABALIKAN na ang episodes ng kinagiliwan nating GMA dramas sa ‘Kapuso Weekend Watchfest’ na makikita sa official Facebook page ng GMA Network.

Tuwing Biyernes, 3 pm, sampung bagong episodes ng ‘The Rich Man’s Daughter’ ang mapapanood in bite-sized clips. Pinagbidahan ito nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro na unang pinalabas noong 2015.

Sa parehong oras tuwing Saturday, mapapanood naman ang romantic drama series na ‘Someone To Watch over Me’ nina Tom Rodriguez, Lovi Poe, at Max Collins. At sa Linggo naman ang ‘Let the Love Begin’ na pinagbidahan nina AiAi delas Alas, Gardo Versoza, Ruru Madrid, at Gabbi Garcia.

Bongga rin ang Kapuso Weekend Watchfest dahil mapapanood pa ang mga nasabing dramas with English subtitles kaya naman kahit hindi Pinoy, pwede itong ma-enjoy! Kaya watch na sa www.facebook.com/GMANetwork!