Advertisers

Advertisers

3 patay sa kuryente

0 522

Advertisers

NASAWI ang isang babae nang makuryente sa Infanta, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Lyca Pantalion Nazario, 40-anyos, residente ng Purok Silahis, Barangay Tongohin sa naturang bayan.
Sa ulat, nadulas ang biktima sa kanilang kusina kungsaan nahila nito ang extension wire, dahilan para ito makuryente.
Patay din ang isang construction worker nang makuryente din sa Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Nico Festijos, 21, ng Brgy. San Isidro, Libmanan, ng nasabing lalawigan.
Sa ulat, iihi sana ang biktima nang aksidente nitong nadikitan ang isang metallic wire (tire wire) na konektado sa radio set sa loob ng nasabing barracks bilang antenna.
Samantala, patay din ang 45-anyos na lalaki nang makuryente sa Calauag, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Gaudencio Bonto Ramos, residente ng Sitio Duongan Barangay Ipil sa nasabing bayan.
Sa report, bigla na lamang nakuha ng anak nitong lalaki ang isang electrical wire na agad naman nitong inagaw. At habang kinukuha ni Ramos ang naturang wire mula sa kaniyang anak, nahulog ito sa fishpond na hawak ang wire.
Dahil dito, nakuryente ang biktima na agad nitong ikinamatay.