Advertisers
HINDI mahirap ipaliwanag ang bakbakan sa loob ng naghaharing koalisyon. Malaking merkado ang Filipinas para sa gumagawa ng bakuna kontra coronavirus. Malaking salapi ang nakataya sa anumang programa para sa libreng bakuna sa humigit kumulang na 110 milyon na populasyon. Malaki ang kikitain ng sinuman magkakaroon ng kontrata sa gobyerno. Malaki rin ang kikitain ng sinumang ahente sa bentahan ng bakuna.
Isang malaking negosyo ang gamot. Hindi ito mapapagkaila. Sapagkat negosyo, natural na may kikita at mayroon kumikita. Ito ang dahilan kung bakit nag-uunahan ang kumpanya ng gamot na makatuklas ng bakuna na panlaban sa virus. Nag-uunahan ang ilang mga kumpanya na nagsisilbing ahente sa bentahan. Maski ang mga nasa gobyerno na may kapangyarihan na magpasya kung ano ang gagawin.
Ngunit sa pagmamadali, may mga nakaligtaan. Patunay ang nabalitang hindi paglagda agad ni Salvador Medialdea at Francisco Duque III sa isang deal kung saan magkakaroon ng $10 million (P500 milyon) halaga ng bakuna mula Pfizer. Popondohan sana ng Asian Development Bank at World Bank ang deal ng Pfizer. Hindi natuloy ang deal at nagsisihan ang mga higante sa naghaharing desisyon sa pangyayari.
Sa isang sulok, bumubula ang mga bibig sa galit nina Teddy Locsin, kalihim ng DFA, at Jose Manuel “Babes” Romualdez, sugo ng Filipinas sa Estados Unidos, sa kawalan ng nangyari sa usapan. Hindi na tuloy ang deal sapagkat hindi naisumite ang mga dokumento at lagda na kailangan ng mga kinauukulan.
Sinisisi ni Locsin at Romualdez ng kapabayaan sina Duque at Medialdea kahit hindi binabanggit ang kanilang pangalan. Sinisisi rin si Carlito Galvez Jr., ang vaccine czar na binigyan ni Rodrigo Duterte ng kapangyarihan na pumasok sa mga transaksyon tungkol sa bakuna. Mistulang naggigilitan sila na leeg.
Kahit pilipit ang Tagalog, nagbanta si Locsin na “yari sila sa akin.” Hindi namin alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero mukhang hindi tutugot si Locsin hanggang hindi naaalis ang mga nagpabaya sa deal.
Dahil kausap nila ang multilateral, mukhang walang kikitain ang mga ahente at nasa poder. Hindi nga naman nakakaenganyo na ibigay ang kanilang lagda ng walang kalinawan kung may kikita. Wala naman silang pakialam kung sa Pfizer o Sinovac ang gumagawa ng bakuna. Ang pinakamahalaga ay Kickvac.
Maraming maaanghang na salita ang aming natunghayan sa social media. Ani political activist at mang-aawit na si Jim Paredes ng APO: “We are buying a vaccine that has not undergone enough testing from a country that prefers to use vaccines from other countries. And it is the most expensive too. Why?”
Sumagot si Ba Ipe: “We could only speculate. But there appears a basis to say that by cornering the supply of other producers, they could raise the price of their vaccine to a much higher level. Corner the supply of Pfizer by buying its vaccine at $20 each dose and sell Sinovac’s at $60 per dose. The Tagalogs have a phrase for it: ‘Tubong-lugaw.’ Who would argue?”
Sa maikli, mukhang iginigisa tayo sa sarili nating mantika. Buhay na buhay ang plano na gawing monopolyo ang Filipinas ng bakuna na galing China. Kasumpa-sumpa ang planong ito, ngunit mukhang hindi sila tumutugot hanggang hindi sila kumikita.
***
BUMALANDRA sa mga mukha ng mga tagasuporta ni Duterte ang kanilang planong ilubog si Bise Presidente Leni Robredo. Sa kasagsagan ng bagyong Vicky na humagupit sa lalawigan ng Surigao del Sur at Agusan del Norte sa Mindanao, kinuyog ang Bise Presidente ng mga tagasuporta na pawang nagtatanong kung nasaan siya.
Sa ilalim ng Saligang Batas, hindi gawain ng Bise Presidente ang umintindi ng anumang gawain, maliban kung aatasan siya ng Pangulo bilang kasapi ng Gabinete o may iaatang na espesyal na gawain. Nais ng mga tagasuporta na ipahiya ang Bise Presidente kahit malinaw sa Saligang Batas ay pumalit lamang siya kung may mangyari sa nakaupong Pangulo.
Biglang namula sa kahihiyan ang mga tagasuporta ng biglang sumagot ang Bise Presidente na nasa Mindanao na pala siya at tumutulong sa koordinasyon ng mga sangay ng Sandatahang Lakas upang tulungan ang mga nasalanta ng baha at bagyo. Supalpal ang mga panatiko.
Hindi nagsasalita ang Bise Presidente. Hindi niya kailangan ibando sa buong bansa ang kanyang ginagawa. Ngunit malinaw na tumutulong siya. Kabaligtaran niya ang nakaupong pangulo na hindi malaman kung nasaan at kung ano ang ginagawa. “Napahiya na naman ang batugan,” ani Archie Mendoza, isang netizen.
Malayo ang pagkakaiba nila. Isang tamad, isang sobrang masipag at maagap. Kaya nga “Busy President” ang tawag kay Leni Robredo. Bahala na ang Langit sa kanila.
***
MAYROON batas na nagbibigay proteksyon sa mga mamamahayag at patnugot ng mga diyaryo at iba pang media outfit na hindi banggitin sa pinagmulan, o source, ng kanilang mga balita. Sa ilalim ng batas, hindi puedeng pilitin ang mga mamamahayag at patnugot na ipahayag sa madla kung kanino galing ang impormasyon na kanilang nakalap. Ito ang Shield Law of 1946.
May Isinulat ang aming kaibigan na si Joe Torres, isang mamamahayag, tungkol dito:
THE SHIELD LAW OR THE PHILIPPINE PRESS LAW OF 1946
In 1946, Senator Vicente Sotto introduced Senate Bill No. 6 at the resumption of the post-war Philippine Legislature. The bill proposed to protect the confidentiality of sources in the journalism profession in the Philippines. The bill was debated because of the insertion of the phrase “public interest” by the Committee of Appointments chaired by Sen. Mariano Cuenco who was also Senate President. The amended bill now reads “unless the court finds that such revelation is demanded by the public interest.”
When the bill was taken up for second reading, Sotto objected to the amendment saying that it will kill the purpose of the bill. He asked that the change be removed and the bill discussed in its original wording. A debate ensued. Some senators opposed Sotto’s suggestion arguing that “without such exception and by giving complete immunity to editors, reporters, etc., many abuses may be committed.”
The Sotto amendment was put to a vote and was disapproved. Sotto then proposed another change, substituting the words “interest of the state” for “public interest.” The phrase “public interest,” he said, “was too drastic.” The amendment was put to a vote and approved.
Senate Bill No. 6 was signed into law by President Manuel Roxas as Republic Act No. 53 on October 5, 1946.
***
Email:bootsfra@yahoo.com