Advertisers
NILINAW ng Tagaytay local government na hindi totoo ang mga ulat na magsasagawa ng lockdown sa Lungsod sa parating na Pasko.
Sinabi ni Mayor Agnes Tolentino na apat na lamang ang aktibong kaso ng COVID sa kanilang lugar, dalawa rito ay magtatapos na sa quarantine.
“Ipinababatid po sa lahat ng kinauukulan na ang mga kumakalat na balita ng lockdown sa Lungsod ng Tagaytay ay walang katotohanan,” sabi ng mayora.
“Liban na lamang kung ang mismong Inter-Agency Task Force o IATF ang siyang magpahayag, ang pagsasara o lockdown ng Lungsod ng Tagaytay o anumang bahagi nito, ay mariing pinabubulaanan.”