Advertisers
IKINATUWA ni Senador Christopher “Bong” Go ang pagdating sa bansa ng Muslim OFW na si Malik Garumbang matapos ang halos isang dekadang pagkakawalay sa kanyang pamilya at pagkakakulong sa Saudi Arabia.
Sinabi ni Go na nangako siyang tutulong sa mga kapatid na Muslim sa abot ng kanyang makakaya.
Ayon kay Go, masaya siyang makakasama na ni Malic ang kanyang pamilya ngayong holiday season.
Napag-alamang huminging tulong noon ang pamilya Garumabng kay Go para matulungang makalikom ng 40,000 dollar na siyang hinihingi na blood money ang pamilya ng biktima ng street accident na kinasangkutan nito noong 2014
Nilinaw ni Go na hindi niya solo ang perang ginamit kay Malic at sa halip aniya ay tumulong ang kanyang mga kaibigan na makalikom ng naturang halaga.
Matatandaang hinatulan ng Saudi fourt si Malic na may bahagi sa pananaagutan sa pagkamatay ng isang biktima sa street accident na kinasangkutan nito street sweeper kung saan ay hiningan siya ng blood money
Sinubukan naman ng pamilya na malikom ang halaga ng blood money pero sadyang napakalaki ng P2.1 million. (Mylene Alfonso)