Advertisers
Report ko dito sa amin, sakop ng Brgy 189 Don Carlos Village, Pasay City, may nagsusugal ng pool. Sobrang ingay po, gabi-gabi nalang. Sana maaksiyunan naman ito ng barangay. ‘Di ba bawal ngayon ang maingay lalo sa gabi dahil sa mga nag-aaral ng online at mga nagtatrabaho online sa bahay. Aksyon naman, pls.. – Concerned citizen
Papogi ni Senador Pacman
Maganda itong papogi ni PACMAN. “BATAS NI PACMAN PARA SA BARANGAY”. Maganda naman yan malaking bagay sa barangay. Ilang barangay opisyal at mga tauhan nito. Malaking boto rin ito. Hahahaha. Ang di lang maganda sa sinabi ni PACMAN e lahat daw tayo naging saksi sa walang pag-iimbot na pagtupad ng tungkulin ng ating mga opisyal ng barangay at mga tauhan. Lalong natuwa mga barangay sa tinuran niyang ito. E tanungin mo Pacman sa kanila kung naipapatupad nila ang 8 ordinansa sa barangay? O sila pa ang pasaway dito? Hahahaha. Sa 8 ordinansa, kahit isa wala ako nakikitang naipatupad nila. Ilang daang barangay na ang kinasuhan? Itong huli yung nanghingi ng tig P1k sa tumanggap ng SAP ayuda. Ilang barangay ang sangkot sa droga at pasugalan? Kasi ikaw nasa alapaap na, malinis, maaliwas ang kinalalagyan mo. Bumaba ka sa lupa at maglibot nang masampal mo ang sarili mo sa papuri mo sa barangay. – Juan po
Taga-Brgy. 650, Manila, nganga sa SAP
Gud pm po. Tanong ko lang: Ibibigay pa kaya ng taga-DSWD ang 2nd tranche na ayuda ng taga-barangay 650 Port Area, Manila? Sana po malaman ni Mayor Isko yan. Salamat po. – Manilenyong umaasa sa SAP
Reklamo laban kay Kagawad Yacub
ng Brgy. 655, Manila
Reklamo ko po yung Kagawad Nonoy Yacub ng Brgy. 655, Intramuros. Kinadenahan yung tricycle at motor ko, pero ung motor ng tanod nila exempted. Tama ba yon? Dapat walang pinipili para parehas sa batas. – Trike driver