Advertisers

Advertisers

Pasasalamat sa mga tumulong sa mga residente ng Marikina na sinalanta ng baha ni Ulysses

0 771

Advertisers

ANG TEXT BRIGADE KONG ITO, MGA SUKI KONG TUMATANGKILIK SA POLICE FILE TONITE, ANG JARYONG MAKATOTOHANAN, AY BUONG PUSONG NAGPAPASALAMAT ANG MATA NG LANSANGAN SA MGA PUSPUSANG TUMULONG SA AMING LUGAR, ANG LUNGSOD NG MARIKINA. MAHAL NAMING ALKALDE MARCELINO TEODORO, CONGRESWOMAN STELLA QUIMBO,CHAIRMAN GERARDO STO. DOMINGO NG CONCEPCION MARIKINA, GIBSON SHOES, AT KINA PAT. FELIPE PAUIG, EDGAR PAUIG, CHARMINE PAUIG, MRS. MELANIE CAONES NA MASIPAG MAG-IIKOT KAHIT WALANG SUWELDO AT LAGING MAY NGITI . YAN ANG MEIMBRO NG SAMAHAN NG BLK. 34 35, DONA AURORA ASSOSATION. – MATA NG LANSANGAN

Hinaing ng residente sa Brgy. Kapitan
ng Anabu 1-D, Imus, Cavite
Gud day po Kap Sherwin ng Anabu1-D, Imus, Cavite. Dito sa Doyet, pano makakapag-aral ng module ang mga bata ng maayos kung hindi matigil ang kantahan at inoman dito? Kahit tanghali ang iingay po, laging may ng videoke, ang lakas papo, kahit gabi ang iingay. Kapag sinabihan naman po, mga galit pa. Ang akala ko po bawal? Sana po tutukan nyo naman ang Doyet, Kap! Pwede po ba yun kahit po walang okasyon pwedeng mag-inuman at magkantahan? Buti po sana kung hindi nakakagambala ng kapitbahay. E kawawa naman po kaming nagtatrabaho ng gabi, hindi makatulog ng maayos dahil sa ingay. At isa pa po bakit pinapanigan ng brgy ang mga dayo na laging naghahamon ng gulo, yun pong mga taga Bikol na lagi nalang nagpapa-blotter dyan sa barangay. Kaya lumalaki ang mga ulo ng mga tarantado. Yun mga nangungupahan dyan sa orange na pag-aari ni Letty sila. Sana po pakinggan nyo rin ang mga kabataan ng Doyet at alamin nyo kung sino talaga ang nag- umpisa. Dahil marami ang nakakaalam kung sino talaga ang nag-umpisa. Sana wag lagi ang kabataan ng Doyet ang laging pag-initan ng ulo nyo. Yan dyan sa dulo wag kang makikialam lalo na kung wala kang alam. Wag nyong pag-initan ang mga kabataan. Imbes na tayo ang magturo ng mabuti, tayo pa ang kumukunsinte sa mga mali nila. Sabagay may kasabihan nga mga naman ang TAMA nagiging MALI, ang MALI nagigingTAMA. – Concerned citizen