Advertisers
Christmas is joy, religious joy, an inner joy of light and peace. — Pope Francis
ANG pananalangin sa Diyos sa gitna ng kasiyahan at kalungkutan ay natural na Gawain ng isang tao dahil ito ang siyang umuugnay sa bawat lalaki at babae sa Ating Ama sa langit, ayon kay Santo Papa Francis.
Habang kadalasan ay naghahanap ang bawat isa sa atin ng solusyon sa ating paghihirap at mga pasakit, “hindi dapat ikagulat na makaramdam tayo ng pangangailangan na manalangin at hindi natin dapat ito ikahiya,” wika pa ng pinuno ng Simabahang Katoliko.
“Huwag mahiyang manalangin, ‘Panginoon, kailangan ko ito. Panginoon, ako po’y nahihirapan. Tulungan mo po ako!’” aniya. Ang mga panalanging tulad nito ay “panaghoy, panaghoy ng puso sa Diyos na Ating Ama.”
Dagdag pa ng Santo Papa, makakabuting manalangin ang mga Kristiyano hindi lamang sa panahon ng krisis kundi sa kapanahunan din ng kasiyahan at katiwasayan para magpasalamat sa Diyos sa lahat ng Kanyang ipinagkakaloob sa atin, at huwag balewalain ang anumang bagay na para bang tayo ang may pag-aari nito: ang lahat ay grasya mula sa Ating Ama.”
Sa kalagitnaan ng general audience, na inere mula sa aklatan ng Apostolic Palace sa Batikano, nagpatuloy si Francis sa kanyang serye ng mga pahayag ukol sa pananalangin at ginunita ang mga ‘prayers of petition’.
Ayon sa kanya, ang mga ‘prayers of petition’, kabilang na ang ‘Ama Namin’,” ay itinuro sa atin ni Kristo” upang mailagay nation an gating mga sarili sa isang mataimtim na relasyon ng pagtitiwala sa Panginoong Diyos at para maitanong natin sa Knaya ang lahat ng ating katanungan.”.
Habang kabilang sa panalangin ay ang “pagsusumamo sa Diyos ng kanyang mga biyaya,” tulad ng “santipikasyon ng Kanyang Pangalan sa Sangkatauhan, ang pagsapit ng kanyang paghahari, ang pagtupad ng Kanyang Kaisipan sa kabutihan para sa mundo,” kasama rin ditto ang mga pangkaraniwang kahilingan.
Sa’Ama Namin’, wika ng Santo Papa, “nananalangin tayo para sa pinakasimpleng mga biyaya, para sa ating mga pangangailangan sa pang-araw-araw, gaya ng pagkain at ‘daily bread’—na ang kahulugan ay kalusugan, tahanan, trabaho, pang-araw-araw na mga bagay; at nangangahulugan din ito ng Yukaristiya, na kailangan para sa pagsasabuhay ng buhay ng Kristo.”
Sa pagpapatuloy Francis, sinabi niya na ang mga Kristiyano ay nananalangin din para sa kapatawaran ng mga kasalanan, na isang bagay na pang-araw-araw din; palagian tayong nangangailangan ng kapatawaran at kapayapaan na rin sa ating mga realsyon at ugnayan. At sa huli, upang matulungan tayong labanan ang temptasyon at mapalaya tayo sa kasamaan.”
Ang paghiling o pagsusumamo sa Diyos ay “tunay na makatao,” lalo na sa pagkakataong hindi na makatalima ang isang tao sa ilusyon na wala tayong pangangailangan mula sa Poong Maykapal at kaya nating buhayin an gating mga sarili, kanyang paliwanag.
“Sa mga panahon na para bang mawawasak na ang lahat, na an gating buhay ay nabalewala at nawalan ng silbi, sa ganitong situwasyon, may iisa lang na paraan para makaligtas: ang tumaghoy, ang panalangin, ‘Panginoon, tulungan mo ako!’” wika ng Santo Papa.
Kaakibat ng mga prayers of petition ang pagtanggap ng ating mga limitasyon, aniya, at habang maaaring dumating tayo sa puntong magdududa tayo kung mauroon ngang Diyos, “mahirap ding hindi maniwala sa panalangin.”
“Prayer simply exists; it presents itself to us as a cry,” punto ni Francis.
“At alam nating lahat ang tinig sa ating kalooban na maaaring manatiling tahimik sa matagaln na panahon subalit isang araw ay magigising at tataghoy.”
Hinimok niya ang mga Kristiyanong manalan gin at huwag mahiyang ipahiwatig ang mga kahilingan mula sa kanilang puso. An g panahon ng Pasko, dagdag niya, ay nagsisilbing paalala sa atin na ang panalangin ay “palagiang may kaugnayan sa pagkakaroon ng tiyaga at papapasensya, at pagtanggap na kailangan nating hinatayin ang kasagutan at tugon ng Diyos.”
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!