Advertisers
UMABOT na sa 452,988 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng covid-19 sa bansa dahil sa karagdagang 1,156 na bagong mga kaso nitong Miyerkules, Disyembre 16.
Samantala, mayroon namang naitalang 425 na gumaling at 21 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.5% (24,873) ang aktibong kaso, 92.6% (419,282) na ang gumaling, at 1.95% (8,833) ang namatay.
Kabilang sa mga probinsya at siyudad na may mataas na naitalang kaso ngayong araw ay ang Davao City na may 166.
Sinundan ito ng Quezon City na mayroong 66 kaso, 64 sa Rizal, 56 sa Bulacan at 38 sa Manila.
Dahil nakikitaan muli ng pagtaas ng kaso sa ilang lugar, paalala ng DOH sa publiko na huwag hayaang panimulan ng pagkakahawaan ng virus ang pampamilyang selebrasyon ngayong Christmas season o mga tinatawang na super spreader events. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)