Advertisers
PATAY sa pananambang ang isang pulis na nakatalaga sa Balanga City Police station sa Samal, Bataan nitong Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Staff Sergeant Frederick Oconer, katatalaga lamang sa Bataan buhat Surigao City dalawang buwan na ang nakararaan.
Sa report, 9:00 ng umaga nang pauwi na si Oconer matapos ang kanyang duty nang pagbabarilin ng lulan ng Toyota Avanza.
Ayon sa ulat, gamit ng gunmen ang isang M-16 Armalite.
Kasalukuyan pang nag-iimbestiga ang pulisya.