Advertisers
HINDI na magsasampa ng kaso ang Iloilo City Police Station 1 laban sa pulis na nagsangla ng kanyang service firearm at sa kalaunan ay ginamit sa pagpatay sa isang Chinese businessman sa Iznart St., Iloilo City Proper.
Ang pulis ay nakilalang si Corporal Val Allan Lisay, kasapi ng Mandirigmang Mang-aawit ng Police Regional Office VI.
Ayon kay Col. Enrique Ancheta, hepe ng PNP Regional Crime Laboratory, nagtugma sa cross-matching at ballistic examination ang 9mm service firearm na ginagamit sa pagpatay ng suspek na si Andy Mahinay alias “Hapon” sa isang Willie Sy, negosyante ng fashion accessories.
Ngunit hindi sasampahan ng kaso si Lisay dahil wala siya sa crime scene at napatunayan na wala siyang intensyon na patayin ang negosyante.