Advertisers
‘Aktibistang’ doktora at kanyang mister niratrat-patay
NASAWI ang isang doktora at kanyang asawa nang pagbabarilin sa siyudad ng Guihulngan, Martes ng hapon.
Kinilala ang mga biktima na sina Mary Rose at Edwin Sancelan.
Sa ulat, papauwi na ang mag-asawa nang harangin at pagbabarilin sa Barangay Poblacion.
Agad na isinugod ang mga biktima sa ospital pero idineklarang dead on arrival na ang mga ito.
Nakita sa pinangyarihan ng krimen ang 15 bala ng calibre .45 pistola.
Samantala, kinilala ng human rights organization Karapatan-Negros Island ang doktora na namumuno sa IATF Guihulngan City.
Ayon sa Karapatan, si Sancelan ay pinangalanan bilang number 1 sa umano’y “hitlist” ng KAGUBAK, isang anti-communist vigilante group sa Negros Oriental.
“Together with her on the list are Atty. Anthony Trinidad and Heidie Malalay Flores who were killed in past years. We believe that this is part of the liquidation operation of the NTF- ELCAC. We strongly condemn this killing,” anang Karapatan-Negros Island.