Advertisers
NAGPASIKLAB si Zion Williams upang pamunuan ang opensa ng New Orleans Pelicans sa 114-92 wagi laban sa makulit na Miami Heat sa preseason game kahapon, sa American Airlines Arena.
Nagrehistro si Williams ng 26 points on 8-of-13 shooting mula sa foul line, 11 rebounds at two assists sa 33 minutong laro upang pamunuan ang Pelicans na ibagsak ang reigning Eastern Conference champions.
Brandon Ingram bumakas ng 22 points, six rebounds, six assists, three steals at one block, habang si Nickel Alexander-Walker, Lonzo Ball, at Josh Hart ang ibang Pelicans na umiskor ng double figures na may 14, 12 at 11 points ayon sa pagkakasunod.
Tyler Herro pinamunuan ang Heat sa kinamadang 17 points on 2-of-7 shooting mula sa arko, six assists at five rebounds sa 28 minutong aksyon.
Duncan Robinson nagdagdag ng 14 points on 4-of-8 three-point shooting, at two rebounds sa 24 minutong laro.