Advertisers
ISANG Covid-free zero disaster, aktibo at mapayapang taong 2021 ang wish ni sports executive Erick Arejola para sa Sambayanang Pilipino.
“Marami ang naging hamon sa buhay ng mga Pilipino ang dumaan magmula noong Enero 2020, tulad ng pagputok ng bulkang Taal na nag-iwan ng malaking pinsala sa mga taga-Batangas at karatig lalawigan.
Nasundan ito ng pan-demyang halos nagpalugmok sa kabuhayan ng mamamayan at ekonomiya ng bansa dahil literal na tumigil ang buhay at aktibidad ng tao pansamantala habang nilalabanan ang pagkalat ng corona virus (covid-19).
Partikular na natengga temporary ang larangan ng sports. Sa huling bahagi ng taong 2020 ay unti-unting bumalik sa aksiyon at bumabangon ang bayan sa krisis.
Patunay dito kahit paano ang pagsigla muli ng Philippine Basketball Associated (PBA) na nakapagdaos ng bubble tournament sa Clark kabilang na ang NorthPort Batang Pier ni general manager Are-jola.
Pero habang bumabangon ang sambayanan at nanalasa naman ang apat na sunod na malalakas na bagyo na nagpalugmok halos sa buong Luzon.
Pero dahil sa likas na matiisin at kagitingang makabangon ng Pilipino na pinagningning ng ‘bayanihan spirit ‘ o damayan ng magkababayan ay muling nalagpasan ang krisis upang harapin ang maaliwalas na bukas.
“Ganito tayo katatag na mga Pilipino. Kayang harapin anumang hamon sa buhay nang may pananalig sa Poong Maykapal. Tuloy ang buhay anumang balakid, tayo ay magtatagumpay,” mensahe ni Arejola.
Optimistiko rin ang pinagpipitagang business at sports executive na anumang mga challenges ay kayang lagpasan at posibleng mapagtagumpayan tulad ng mithi ng koponang NorthPort Batang Pier sa PBA pagpasok ng taong 2021.
(Danny Simon)