Advertisers

Advertisers

Pagsikil sa PAO ay pagsikil ng hustisya!

0 304

Advertisers

Sa “vengeance” na inilulunsad ng mga DENGVAXIA IMPLEMENTORS sa paraang pagpaparalisa sa PUBLIC ATTORNEYS OFFICE – FORENSIC LABORATORY DIVISION ay indikasyong ipinagkakait na sa maraming mamayan ang paghahangad ng HUSTISYA mula sa pinagdaanang pang-aabuso, pagpapahirap at iba’t bang uri pa ng mga kriminalidad sa ating bansa na karamiha’y gawa ng mga maiimpluwensiyang personalidad.

Sabihin mang nariyan ang FORENSIC TEAM ng PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) at ng NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION (NBI) ay hindi maiaaalis sa publiko ang pagdududa lalo pa kung ang mga masasangkot ay kanilang mga kabaro. Nariyan din ang FORENSIC TEAM ng COMMISSION ON HUMAN RIGHTS (CHR) pero tila mga rebeldeng puwersa pa ang higit na nakikilingan.., kaya marapat lang mapanatili ang PAO na ahensiyang bumabalanse sa kalalabasan ng mga lehitimong ebidensiya na pabor sa nabiktima o pabor sa nasasangkot.

Gayunman, sa pag-usad ng DENGVAXIA CASE na isa sa mga kontrobersiyang inaasistehan ng PAO sa pangunguna ni CHIEF PERSIDA ACOSTA na maraming mga government official ang nasasangkot ay kumilos na ang PROTECTOR ng SANOFI PASTEUR na manufacturer ng DENGVAXIA VACCINES sa paraang ilegal at benggatibong pagsisingit sa probisyon ng GENERALS APPROPRIATION ACT for 2021 BUDGET, na isinagawa nina SENATOR FRANKLIN DRILON at SENATOR SONNY ANGARA upang hindi na makapagtrabaho pa ang PAO FORENSIC TEAM ngayong pagpasok ng 2021.



Tanging pag-asa ng PAO ay ang i-VETO o ipabura ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE ang isiningit sa probisyon nina DRILON at ANGARA na lihis sa pangunahing adbokasiya ng ating Presidente na pag-asiste sa mamamayan partikular ng mga maralitang sektor ay ang interes naman sa pansariling bulsa ng 2 SENATOR ang kanilang pinahalagahan sa halip na kapakanan ng sambayanan.

Sa kasalukuyan ay nasa 160 na ang inawtopsiya, na nitong Lunes ay isang 15-anyos na babae sa ANTIPOLO CITY ang nakakumpleto ng bakunang DENGVAXIA simula noong 2016 ang namatay at mayroon ding nagpaasiste sa ARYA na magulang dahil ang kaniyang anak ay dumaranas na ng mga paghihirap tulad sa sintomas ng mga namatay na at gayundin ang ilan sa mga kaklase ng kaniyang anak sa ANTIPOLO CITY ay mga malala na sumusuka na umano ng dugo at matinding pananakit ng katawan na lumaki na ang tiyan.., na inaasistehan ngayon ng PAO upang maisalba ang buhay ng mga ito na dulot ng DENGVAXIA!



MAPAGKAKATIWALAAN PA BA
NG MERALCO CONSUMERS ANG
ORGANISASYON NI DAVID TAN?

Sa ipinapakitang pambabatikos ng MATUWID NA SINGIL SA KURYENTE CONSUMER ALLIANCE INC (MSK) na organisasyong pinangungunahan ni DAVID CELESTRA TAN ay masasabing sinsero ang adhikain nitong mapababa ang bayarin sa kuryente at sa pakikipag-alyansa sa grupong BAYAN MUNA ay ninanais nilang paimbestigahan ang mataas na singil sa pamamagitan ng generation charges na pinapasa daw ng QUEZON POWER PHILIPPINES Ltd (QPPL) sa mga konsyumer ng MANILA ELECTRIC COMPANY.., gayong bumaba na raw ang presyo ng coal.



Ang QPPL, na pinatatakbo ng EGCO GROUP ng THAILAND, ang nagmamay-ari ng 460-megawatt MAUBAN COAL FIRED POWER PLANT sa MAUBAN, QUEZON na mismong si

PRESIDENT RODRIGO DUTERTE ang humimok sa KINGDOM OF THAILAND kung saan kabilang ang EGCO THAILAND, na mamumuhunan sa PILIPINAS at tumulong para magprodyus ng enerhiyang kailangan ng mga industriya ang negosyong lokal para sa paglago ng ating ekonomiya.

Pero, sino nga ba itong si DAVID TAN? Ayon sa ilang lumabas na kolum sa broadsheets ay may patong-patong na demandang nakasampa laban sa kanya sa ilang korte sa San Francisco Superior Court at US Bankruptcy Courts sa California, Estados Unidos.

Malupit ang mga kasong ito. Mantakin nyo, “fraudulent intent” na umaabot sa $6.9 milyones ang liability dahil sa isang pagkakautang na siya ang guarantor sa Edison-Hubbard Corp na isang kaso pa lang yan.

May mga “bankruptcy” o pagkalugi sa negosyo na mga kaso rin ni Tan sa may 5 kumpanya, tulad ng Energy Corp. at Central Negros Power Corp.

Pinatawan si TAN ng mabigat na ruling korte sa Estados Unidos, kasama na rito ang deklarasyon na sinadyang tinalikuran nito ang kanyang mga pagkakautang sa mga creditors. Binansagan siya ng naturang korte na “isang taong walang kredibilidad, at sinungaling.”

Ang MSK rin ay may kaduda-dudang pagpapatakbo ng kanilang organisasyon. Dalawa ang nakalistang address ng tanggapan nito, at nahalatang dinuktor ang General Information Sheet submissions nito sa Securities and Exchange Commission (SEC), tungkol sa panahon ng pagsimula nito bilang negosyo, at inireport na pondo.

Ang binabatikos na MERALCO ay nagsaad naman ang SPOKESMAN na si JOE ZALDARRIAGA na bumaba ang retail rates ng Meralco sa pinakamababang lebel nito sa nakaraang ilang taon.

Nitong Disyembre nga, nag-anunsiyo ang Meralco ng pagbaba ng singil sa kuryente ng P0.0352 per kilowatt hour o P8.4753 per kwh, mas mababa kaysa noong Nobyembre na P8.5105 per kwh.., na kung susumahin, ang pagbababa ng singil ay katumbas sa P7 na kabawasan na bayad sa kuryente para sa mga residente na kumukunsumo ng 200 kwh kada-buwan!

Kaya ang tanong, dapat bang maniwala ang mga konsyumer na isinusulong daw ang kanilang karapatan ni TAN gayong basag na basag ang kredibilidad niya, hindi lang dito sa bansa pati na sa Estados Unidos?

***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.