Advertisers
Ilang tulog na lang ay magsisimula na ang 2020-2021 season ng National Basketball Association (NBA). Paboritong umulit as champion this year ang Los Angeles Lakers dahil mas lalong naging solido ang kanilang koponan with the additions of Montrezl Harrell, Dennis Schroder at Marc Gasol.
Pero during their rep-season games against the Los Angeles Clippers ay ang pinakabata nilang player ang nagpasikat.
Tinalo ng Lakers ang Clippers twice kahit na hindi naglaro sina LeBron James at Anthony Davis on both of the outings.
Sa unang laro ay kumana ng career-high 19 points ang 20-anyos na si Talen Horton-Tucker para pangunahan ang Lakers at sinundan niya ito ng mas impresibong 33-point, 10-rebound performance sa next game.
Unang nagpasikat si Horton-Tucker sa NBA bubble kung saan nabigyan siya ng playing time sa seeding games. Nagamit din siya sa series against the Houston Rockets at maganda ang kaniyang ipinakita.
Mukhang handa na si Horton-Tucker to take the next big step this season lalo na at siguradong maraming beterano sa koponan ang magpapahinga from time to time.
Mismong si LeBron ay humanga sa ipinakita ni Horton-Tucker sa kambal na panalo nila against the Clippers sa pre-season.
“This kid (Horton-Tucker) is special,” ani LeBron sa kanyang Tweeter account.
***
Dahil NBA season na, busy na rin ang mga managers sa fantasy leagues. May tatlong fantasy leagues na maraming sportswriters na kasali – ang No Mercy, Pakitang Gilas H2H at Pakitang Gilas Roto.
Twice na tayong nag-champion sa No Mercy at four times naman sa Pakitang Gilas H2H. Last year ay tayo sana ang magwawagi sa Pakitang Gilas Roto kaso nga lang ay na-cancel ang season ng NBA Fantasy kaya hindi iyon naging opisyal.
Hopefully this year ay makuha ko na finally ang title sa Pakitang Gilas Roto para makumpleto ko na ang Grand Slam sa fantasy leagues ng mga sportswri-ters.