Advertisers

Advertisers

Pagbabakuna kontra COVID-19 sa Binondo, iniimbestigahan

0 215

Advertisers

PINAIIMBESTIGAHAN ngayon ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang ulat na may nagaganap na COVID-19 vaccination sa Binondo.
Inatasan ni Domagoso sina Manila Health Department Officer in Charge Dr. Arnold Pangan, Bureau of Permit OIC Levi Facundo, at Manila Police District (MPD) Director BGen Leo Francisco na imbestigahan ang nasabing ulat.
Ito’y matapos isiwalat ng broadcaster ng GMA 7 na si Arnold Clavio sa kanyang kasamahang si Mike Enriquez sa kanilang programa sa radio/tv na may nagaganap na COVID-19 vaccination activity sa area ng Binondo partikular sa Ongpin.
Ayon sa alkalde, maging ang national government ay hindi pa naaaprubahan ang anumang uri ng bakuna kontra COVID-19. Kaya’t sakaling totoo ang nasabing aktibidades sa Binondo, itinuturing itong hindi awtorisado at maaaring magdulot ito ng panganib sa kalusugan ng publiko. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)