Advertisers

Advertisers

Bong Go: Publiko i-educate sa COVID-19 vaccine para ‘wag matakot

0 323

Advertisers

UMAPELA si Senator Christopher “Bong” Go sa gobyerno na magsagawa ng malawak na information campaign upang ma-educate ang publiko sa proseso ng isinasagawang pagbili ng pamahalaan sa ligtas at epektibong COVID-19 vaccines upang huwag silang matakot.

Igiiit ni Go na dapat maimpormahan ang taumbayan sa iba’t ibang paraan ng pagbili, gayundin sa planong distribusyon at pagbabakuna hanggang sa maging matagumpay ang pag-iimplementa ng COVID-19 vaccine roadmap.

“Huwag nating pabayaan ang mga ordinaryong Pilipino. Bigyan dapat ng tamang impormasyon ang publiko para hindi matakot at magkaroon ng confidence ukol sa mga vaccines na ito,” ayon kay Go.



Matatandaang kapwa nagsabi sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Go na handa silang maunang magpaturok ng COVID-19 vaccine upang maengganyo at mawala ang pagkatakot ng publiko.

“Ako, I’m very much willing na mauna kami ni Pangulong Duterte just to prove to the people na safe na po ito,” ani Go sa ambush interview matapos pangunahan ang pamamahagi ng ayuda sa typhoon victims sa Arayat, Pampanga.

Matapos magtungo sa Arayat, sunod na nagpunta ang grupo ni Go sa Candaba para tulungan din ang mga nasalanta ng nakaraang bagyo.

“Ang importante, makuha natin ang kumpiyansa para unti-unting makabalik sa normal. Sa ngayon naman po, lumalabas na ang tao pero ‘di pa tayo dapat magpakumpiyansa. Nandyan pa ang COVID-19, habang wala pa tayong safe na vaccine na natuturok sa Pilipino, kaya mag-ingat pa rin tayo,” ayon sa senador.

Hinamon din ni Go sina Health Secretary Francisco Duque III at Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na una ring magpabakuna para makumbinse ang publiko na ligtas ang mabibiling bakuna laban sa virus.



“Kaya nga dine-dare ko po sina Secretary Galvez at Secretary Duque na dapat kayo ang mauna to gain confidence na magpaturok ng vaccine ‘pag meron nang safe na vaccine na na-declare ang ating FDA (Food and Drug Administration),” anang mambabatas.

“Kunin natin ang kumpiyansa [ng mga tao]… Maraming gustong magpaturok pero takot ang attitude ng Pilipino ngayon. Kayo [government officials] muna ang mauna para mawala ang takot ng tao. Totoo naman, dapat safe, unahin natin ang safety. Mahirap naman magsisihan sa huli,” idiniin niya.

Sa phone survey ng Social Weather Station mula September 17 hanggang 20, nabatid na 31 porsiyento ng Filipino ang hindi pa handang magpaturok ng COVID-19 vaccine.

Nasa 32 percent naman ang nakahanda habang 34 percent ang nag-iisip-isip pa kung magpapabakuna.

Tiniyak niya na inaaral lahat ng gobyerno para makakuha ang bansa ng ligtas na bakuna para sa Filipino.

“Marami na pong ine-explore ang ating vaccine czar si Secretary Galvez at ang plano po n’ya, sa first quarter ng taong ito, ay merong two or three vaccine companies na makikipag-deal through different means or ways (of procuring),” ani Go,

“Ngayong Pasko, ingat muna tayo habang nandyan ang COVID-19. ‘Wag muna kayong magparty. Kasama ang pamilya n’yo, dasal kayo, kumain kayo ng Noche Buena, kayo-kayo lang, ‘wag muna kayo mag-imbita ng kapitbahay, ‘wag muna kayong lumabas habang wala pang vaccine,” ang paalala niya.

“Hintayin n’yo na lang muna sa susunod na taon na mag-normalize na. ‘Wag kayo magmadali. Pili kayo: isang Pasko ngayon kapalit ng mas maraming pasko pa sa buhay n’yo. Makakadamay pa kayo ng kapwa n’yo. ‘Wag muna mag-party, ‘wag muna magkumpiyansa habang nandiyan ang COVID-19,” sabi pa ni Go. (PFT Team)