Advertisers
TEXT BRIGADE. ANG MGA KARATIG NA BARANGAY SA LUNGSOD NG MARIKINA AY BUONG PUSONG NAGPAPASALAMAT SA ISANG ORGANISASYON NG MGA DAYUHAN TULAD NG TZU CHI, NA TUWING MAY KALAMIDAD NA NARARANASAN SA LUNGSOD NG MARIKINA AY LAGING NAKAHANDANG TUMULONG ANG SAMAHAN NG TZU CHI. NAKAKAGAAN SA MGA TAGA MARIKINA ANG KANILANG GINAGAWANG PAGTULONG. MARAMING MARAMING SALAMAT SA TZU CHI AT KAY BUTIHING MAYOR MARCELINO TEODORO AT MGA BARANGAY CHAIRMAN. ANG PINUPUNA NG INYONG LINGKOD AY ANG HINDI PAGSUNOD SA MGA HEALTH PROTOCOL NG IATF DAHIL SA COVID 19. SA SOBRANG TUWA AT SAYA NG MGA TAGA KARATIG NA LUGAR AY HINDI NA NAGSUSUOT NG FACE MASK. – CONCERNED CITIZEN NG MARIKIMA CITY
Nganga sa kaaantay sa pramis na text ng DSWD para sa SAP
Sa DSWD may nagreklamo. Nung August pa raw siya tinext ng DSWD pero hanggang ngayon wala parin natanggap. Puro palusot nalang sinasabi nung babaeng taga- DSWD. Pinagsabihan kasi ng DSWD na mag-antay ng txt para makuha ang SAP. Ayaw talaga nilang mabigyan lahat ng SAP ang mga mahihirap. Yung asawa ko nung August naman nabigyan ng SAP form galing pa ng DSWD at sabi mag-antay ng txt. Araw-araw matiyagang nag-aantay ng txt mula umaga hanggang makatulog na sa gabi walang txt na nangyari. Di ba malinaw pa sa sikat ng araw niloloko, winawalanghiya ng DSWD ang mga patay gutom na? Putang ina Gen. Bahotista at mga opisyal, nabubuhay pa kayong mga demonyo sa ibabaw ng lupa? Buti itong mga walanghiya at hayop na ito sinusuwerte at tumatamasa ng malaking biyaya dahil sa pangungurakot. E maganda pa pala maging masama para suwertehin ka at maging milyonaryo. Di tulad ng mabubuti at parehas puro kamalasan pa ang tinatamasa. – Juan po
SIYUNAN NI MAYOR ISKO MORENO YAN. UUTUSAN NYA ANG MGA TANOD NILA PARA MAG BAHAY-BAHAY PARA MAKUHA ANG TIG-P1000 NA HINIHINGI NI OPISYAL. DI BA BAWAL YON? – Concerned citizen
(Editor: Kunan nyong video ang panghihingi para may ebidensiya)
Reklamo vs Brgy. Kagawad sa Baseco, Port Area, Manila
Gud pm. Reklamo kolang po itong daan d2 Baseco habitat blk 6, row 6, ginawa nang bahay ni Kagawad Navalta. Wala na po kaming madaanan tuwing umaga na papasok kami sa trabaho, at kung sakaling magkasunog ay maraming mamatay dahil yun lang ang tagusan sa high way. Napaka suwapang, ginawang tambayan ng mga bakla sa gabi. Sana makarating po kay Yorme ang problemang ito. Malakas po kc itong si Navalta nayan kay Chairman kaya ‘di magalaw. Madami nang nagrereklamo dito. – Concerned citizen
Wakasan na ang CPP-NPA-NDF para sa pag-unlad ng mga liblib na probinsiya
Mas dapat na ipagpatuloy nalang ang whole of the nation approach ng gobyerno at patuloy na hikayating sumuko at magbalik-loob ang mga rebelde lalo na ngayong magpapasko. Mas nagiging epektibong paraan pa ito sa mga komunidad na makipagtulungan, kasi patuloy na naaantala ang pag-unlad ng kanilang bayan kung kaya’t sila narin mismo ang kusang nakikipag-ugnayan sa gobyerno para isuplong ang mga rebeldeng nanggugulo sa kanila. Tamang wakasan na ang CPP-NPA-NDF para sa pag-unlad ng mga liblib na lugar sa probinsiya. – Makabayan