Advertisers
UMENTRA sa finals ang Philippine Under-17 Boys at Girls Team sa idinaraos na online drills competition ng United Nations Basketball World Team Skills Championship na nilahukan ng iba’t-ibang bansa sa mundo.
Matapos ang marubdob na ilang araw sa Homecourt App drills eliminations, nakarating ang mga pambatong kabataang Pinoy sa final 2 teams ng torneo kung saan ay makakaharap nila ang bansang Spain para sa prestihiyosong kampeo-nato.
Ang Philippine U-17 Boys Team ay kinabibilangan nina Lanze Ronquillo – prolific playmaker ng San Beda U- Taytay, Peeco Napenas, Zak Gumaya, Paul Barcelona, Asher Vidal, Harvy Guevarra, Adrian Ma-lapa, Kenneth Alde, Lebron Lim,Pankie Capistrano, Lj Dellosa at Ramon Ferrer.
Naduplika naman ng Philippine U-17 Girls Team ang pagpasok sa granfinale sa pambihirang pagkakataon kung saan ay makakatunggali nila ang koponang Hawaii para sa titulo.
Binubuo ng mga kabataang Pinay nina Ysabella Gonzales, Princess Villarin, Marga Villanueva, Shanah Nuguid, Jullenne Galgana, Alshe Solis, Karen Siapoc, Issa Martinez, Ynnia Abella, Kyla Mataga, Ava Fajardo at Shina Solis.
Sa Homecourt App ay may pagtutunggaliang mga drills sa loob ng tatlong araw. Ang mga may matataas na score bawat bansa ay uusad hanggang sa matira ang dalawang may pinakamatataas na score upang magkaharap para sa karangalang kampeonato.(Danny Simon)