Advertisers
Kahit malas ang taong 2020 ay nginingitian pa rin ng tadhana ang ating pitong taong gulang na programa sa radyo.
Mapalad ang Oras ng Kaalaman at Saya na bukod sa pamilya ni Fritz Gaston sa ika-21 ng buwang kasalukuyan ay magiging bisita rin natin ang mag-amang Recah at Chino Trinidad.
Bahagi ito na Christmaserye natin na nagtatampok ng mga mag-anak sa sports at showbiz sa palatuntunan natin sa DWBL 124 khz sa AM. Matutunghayan nyo rin ang OKS sa You Tube at Facebook Live.
Sa Lunes nga ay espesyal na panauhin natin ang ex-PBA player na si Fritz at ang mga dalaga niyang volleybelle na sina Pauline at Therese. Sa ika-4 ng Enero ay makakapanayam natin ang print journalist na si Recah at ang broadcaster na si Chino.
Kahapon ay nakasama natin sina Willie at Frida Nep. Sa a-21 naman ay makakapiling natin sina Isko aka Brod Pete at Jerilee Salvador. Lahat ng episode na yan puro informatively entertaining at entertainingly informative.
Hatid sa atin ang mga Pamaskong episode ng OKS ng Biofresh socks, Skleen soap at Optimo Coffee.
Tune in na!
***
Dalawang ulit na dinadaig ng Lakers ang karibal na Clippers sa preseason. Yung una 87-81 at ang ikalawa ay 131-106.
Hindi pa naglaro diyan ang mga superstar na sina LeBron at LeBrow. Nag-cheer lamang mula sa bench sina LeBron James at Anthony Davis. Minabuti ni Coach Frank Vogel na ipahinga na lamang ang dynamic duo at ilayo sa anumang injury.
Nagpakita naman ng gilas at galing ang mga bagong recruit na sina Montrezl Harrell, Dennis Schroder at Marc Gasol.
Gayun din ang dati nilang mga manlalaro na sina Kyle Kuzma at Talen Horton-Tucker.
Sa punto kasing ito ay nag-aadjust pa ang Clippers sa sistema ni Coach Tyronne Lue, ang mentor ng Cavaliers nang magkampeon sila noong 2016.
***
Posible raw mapabilang na si Kai Sotto sa Gilas Pilipinas sa February window ng FIBA Qualifiers na sa Clark sa Pampanga gaganapin.
Maganda ito para sa ikalalakas ng pambansang koponan at gayon din sa ikahuhusay ng seven-footer na anak ng former pro na si Ervin. Inaasahan na ang anak ni Ervin Sotto ang mag-aanchor ng ating PH team sa FIBA World Championship sa 2023 kung saan tayo ang punong-abala. Co-host natin ang Japan at Indonesia.
Eka nga ni Ka Berong ay mutually beneficial yan sa dalawang panig.