Advertisers

Advertisers

OFW missing sa Saudi Arabia

0 234

Advertisers

MISSING ang isang Pinay domestic helper na huling nakausap ng kanyang mister mahigit tatlong linggo na ang nakakaraan sa Riyadh, Saudi Arabia.
Kinilala ang nawawalang Overseas Filipino Worker na si Bernadeth Navarro, nagtatrabaho bilang kasambahay sa Riyadh.
Sa report, nakausap ni Bernadeth ang kanyang mister na si Josue noong November 27, 2020 at naisumbong nito na delayed ang kanyang sahod, at hindi na siya pinakakain.
Sa sumunod na araw, hindi na siya makontak sa kanyang telepono o sa pamamagitan ng online messaging.
Inihayag, aniya, ng kasamahan ni Bernadeth sa Riyadh na pinahuli umano ito ng sarili nitong amo.
Pero hindi naman naniniwala si Josue dahil posibleng kinulong lamang ang kanyang misis sa isang bahay habang hindi pinakakain.
Ipinunto ni Josue na hawak parin ng employer ni Bernadeth ang pasaporte nito.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang pamilya ni Bernadette sa Overseas Workers Welfare Association (OWWA) sa Davao para humingi ng tulong.
Parehong nangako sina OWWA administrator Hans Leo Cacdac at Labor Attaché Nasser Mustafa na iimbestigahan ng mga ito ang isyu.